
MULING binigyan-diin ni dating Davao City Congressman Karlo Nograles ang kahalagahan at pangangailangan ng isang epektibong para ilapit ang pamahalaan sa mga mamamayan sa bisa ng makabagong teknolohiya.
“Kailangan ang City Hall, one SMS or Facebook Messenger text away lang. This way, we reassure Davaoeños that their city government listens to their needs and concerns,” wika ni Nograles na kandidato sa pagka-alkalde ng naturang lungsod.
Giit ng dati ring naging chairperson ng Civil Service Commission (CSC), dapat magkaroon ang city hall ng ‘responsive public reporting system’ para tiyaki ang agarang tugon sa bawat pangangailangan at dulog ng mga nasasakupang residente.
“Such a system should go beyond an automated reply, but rather one that replies fast and responds quickly,” dugtong ni Nograles.
“We should always be mindful that the local government is the frontliner for all concerns in the community. Tayo ang inaasahan ng ating mga kababayan para tugunan ang kanilang pangangailangan,” dagdag ng dating kongresista.
“Dahil dito, tayo ang unang nilalapitan ng mga kababayan natin, kaya dapat mapanatag ang loob nila na tunay na pinakikinggan ng City Hall ang mga hinaing at problema nila,” aniya pa.
Iminungkahi rin ni Nograles ang pagsasagawa ng regular na town hall meetings, na maaaring isang “virtual and in person” program kasali ang mga mga Davaoeño para iparating ang kanilang saloobin na agad naman tutugunan ng city hall.
“There is no better substitute towards fostering hope and understanding among communities than through a forum where ideas can be freely exchanged,” sabi pa niya.
“The essence of democracy is helping each other out to attain our shared vision of progress. Through such forums, we give every Davaoeño a voice and ensure that our governance is not top-down but instead solicits the help of the people in crafting solutions to our problems.”