NAUWI sa trahedya ang pagsasanay ng apat na piloto matapos magkaroon ng “mid-air collision” sa himpapawid na dahilan ng pagbagsak ng dalawang training jet sa loob ng Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.

Sa ulat ng Philippine Air Force, nagsasagawa umano ng training flight ang mga biktima nang maganap ang trahedya dakong alas 3:51 ng hapon.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng dalawang SF-260 aircraft, ang sasakyang panghimpapawid na ginamit ng mga nasawing piloto.

Samantala, agad na ipinatigil ng pamunuan ng Philippine Air Force ang pagpapalipad ng mga SF-260 bilang “precautionary safety measure” habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *