HINDI pa man tapos bunuin ang sintensya para 21 kaso ng katiwalian, muling hinatulan ng Sandiganbayan si dating Maguindanao governor Datu Sajid Islam Ampatuan sa graft at malversation of public funds kaugnay ng mga irregularidad sa farm-to-market road projects sa nabanggit na lalawigan noong 2009.
Sa 66-paninang desisyon ng Sandiganbayan, pinatawan ng parusang walo hanggang 12 taong pagkakakulong si Ampatuan para sa kasong graft, at reclusion perpetua (katumbas ng 40 taon) para sa malversation.
Bukod sa pagkabilanggo, inatasan din ng Sandiganbayan ang kampo ni Ampatuan ng P393 milyong multa para sa malversation at perpetual disqualification sa anumang posisyon sa gobyerno.
Bago pa man lumabas ang sintensya para sa mga naturang kaso, una nang nahatulan guilty ang dating Maguindanao governor para sa parehong kaso.
