MAHIGIT sa 1,500 persons deprived of liberty (PDLs) ang inilipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan td Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sa pahayag, sinabi ng BuCor na ang karagdagang 450 PDLs mula sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institution for Women (CIW) ay ibiniyahe sa barko noong Sabado.
Sa mga bagong lipat, 396 ang mula sa medium security compound ng NBP habang apat mula sa maximum security compound samantalang 50 sa CIW.
Sinabi ni BuCor chief Gregorio Catapang na ang mga bilanggo ay inaasahang dumating ngayong Oktubre 1 sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang “Oplan Lipatan” ay bilang paghahanda sa paglipat sa 357-hectare property sa ilalim ng state penitentiary sa commercial hub makalipas ang limang taon.