HINARANG ng Immigration officers ang isang Chinese national na dumating sa bansa noong Huwebes dahil sa mga naunang hatol sa sex crimes sa Amerika.
Si Kang Gong, 26, ay hinarang sa paglapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 mula Hong Kong, ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco.
Agad ipina-book si Gong pabalik sa kanyang pinagmulan, ayon pa kay Tansingco. Lumitaw ang pangalan ni Gong sa database ng convicted criminals.
Ayon sa national central bureau ng Interpol sa Manila, idineport si Gong mula China galing ng Amerika noong Oktubre 22, 2021 matapos hatulan ng korte sa Michigan sa tatlong councts ng child sexual abuse at gamit ang computers sa pagkakalat ng child pornography.
Guilty si Gong sa krimen mula Abril hanggang Hulyo 2000 nang tumanggap ng mahigit sa 100 litrato at video ng sexually abused children at ikinalat ito sa publiko, ayon pa sa BI.
Kabilang din si Gong sa listahan ng blacklist ng unwanted aliens.