WALA ng pag-asang makamit ng naulilang pamilya ng beauty queen ang asam na hustisya matapos ibasura ng piskalya ang kaso laban sa pulis na di umano’y dumukot kay Catherine Camilon.
Sa resolusyon ng Regional Prosecutor Office, ganap na ibinasura ang mga kasong kidnapping at serious illegal detention laban kina Police Major Allan de Castro at Jeffrey Magpantay na bodyguard ng opisyal.
Giit ng piskalya, hindi pwedeng isampa sa husgado ang kaso. Ang dahilan – kapos ang ebidensya laban kina de Castro at Magpantay.
Batay sa pagsisiyasat ng Task Force Camilon, si De Castro na dating karelasyon ng nawawalang biktima, ang nakitang huling kasama ng beauty queen sa Batangas bago pa man naglaho noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Wala pang pahayag ang magkabilang kampo.
