BISTADO ang isang local official ng Taytay sa lalawigan ng Rizal matapos ikanta ng mga bumbero na pag-aari ng naturang opisyal ang private swimming pool na nahuli cam sa aktong kinakargahan ng tubig ng mga bumbero gamit ang firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., sinibak na rin ang hepe ng BFP-Taytay at tatlong bumbero sa nasabing sangay ng kawanihan.
Partikular na tinukoy ni Abalos ang viral video sa social media na umano na kabi-kabilang batikos.
Kabilang sa mga sinibak ang opisyal na may ranggong Senior Fire Inspector tatlo pang kawaning may mga ranggong Fire Officer 3 at 1.
Ani Abalos, malinaw na lumabag ang mga naturang BFP personnel sa paggamit ng fire truckna may body number na 4A-R-E513A na kumuha ng tubig sa isang fire hydrant para dalhin sa bahay ng hindi pa tinukoy na local official na nagmamay-ari di umano ng tatlong palapag na bahay na may swimming pool sa Barangay Road sa Barangay Dolores ng nasabing munisipalidad.
Pag-amin ni BFP spokesperson Supt. Annalee Atienza, isang “very important person” sa Taytay ang may-ari ng bahay na may magarang swimming pool.
Garantiya ni Abalos, maglulunsad din ng bukod na imbestigasyon para panagutin ang local official sa sandaling makumpleto ang mga ebidensya.
