PATAY ang isang mag-anak matapos tupukin ng apoy ang inuupahang bahay hindi kalayuan sa fire station sa Ozamis City sa lalawigan ng Misamis Occidental.

Kabilang sa mga nasawi ang 29-anyos na si Divina Gracia Godiz-Gohara, 5-taong gulang na anak na babae at ang bagong silang na kambal na sanggol. 

Batay sa imbestigasyon ng Ozamis City – Bureau of Fire Protection, tulog ang mag-anak nang lamunin ng apoy ang dalawang palapag na bahay dakong alas 4:20 noong Miyerkules.

Pag-amin ni Ozamiz City Fire Station fire marshall Fire Senior Inspector Erwin Peter Macamay, hindi naging madali ang pag-apula ng sunog na umabot sa ikatlong alarma, bunsod ng makipot na daan papunta sa nagliliyab na bahay.

Sa pagsusuri ng BFP, suffocation ang sanhi ng pagpanaw ng mag-anak.

Nasa 350 metro lang ang layo ng fire station sa sunog.

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *