HINDI dapat pagkakitaan o gawing negosyo ng mga local tour operators ang pagprisinta sa iba’t-ibang sagradong tradisyon ng indigenous cultural communities at maging ng bawat katutubo. Ito ang binigyan-diin ni Solid North Partylist Rep. Ching Bernos, na tumatayong vice chairperson ng House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples. Giit n Bernos, hindi palabas para magbigay ng kasiyahan ang sagradong tradisyon, kultura at maging sa usapin ng pananampalataya at nakagisnang paniniwala. “Paalala lang po sana sa ating mga tour operators—respetuhin po natin ang mga tradisyon ng mga IP at huwag lamang natin tingnan ang mga ito bilang pagkakataon para sa turismo,” wika ni Bernos. Ginawa ni Bernos ang pahayag dala na rin sa pagpapaalala ng mga opisyal at residente ng Sagada, Mountain Province na huwag nang i-tampok o gawing tourist attraction ang matagal na tradisyon ng “Panag-apoy” na kahalintulad ng Undas. “Indigenous practices and traditions are interesting to both local and international tourists, however, we must ensure that tourist activities do not encroach on these traditions or offend IP members,” ani Bernos. “All tourism involving IPs must be anchored on consent.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Zero-squatter status, abot-kamay sa Angono