
MATAPOS makapagtala ng kauna-unahang kumpirmadong kaso ng monkeypox (mpox), naglabas ng direktiba ang pamahalaang lalawigan para sa lahat ng residente ng Davao del Sur.
Sa kalatas ng Davao del Sur provincial government, mahigpit na ipapatupad sa buong probinsya ang mandatory facemask bilang tugon sa peligrong dala ng nakakahawang mpox.
Partikular na tinukoy ng pamahalaang lalawigan ang pinakaunang kaso ng mpox sa bayan ng Magsaysay. Giit ng pamunuan ng lalawigan, mas mainam na ngayon pa lang ay magpatupad ng mga hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Sa ilalim ng direktiba, obligado magsuot ng face mask sa mga paaralan, palengke, pampublikong sasakyan, simbahan, business establishment, healthcare facility at iba pang matataong lugar.