PURNADA ang kita ng mga hog raisers mula sa lalawigan ng Catanduanes matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture ang kontaminasyon ng mga alagang baboy sa mga bayan ng Virac at Pandan. Sa pagsusuri ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL), positibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga livestock sa Barangay Hicming sa Virac, gayundin sa Barangay Del Sur, Napo at Libod sa Pandan. Agad naman ipinag-utos ng kagawaran ang isolation at depopulation ng mga infected na baboy para hindi na kumalat pa sa mga karatig bayan. Samantala inatasan naman ni Catanduanes Gov. Patrick Alain Azanza ang mga hog raisers na magsagawa ng tamang “disposal” ng mga kontaminadong baboy. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pagbaha sa Davao City sisilipin ng Palasyo