MULING binaha ang malaking bahagi ng lalawigan ng Bulacan bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na 24 oras. Gayunpaman, tila hindi na alintana ng mga residente mula sa ilang bayan ang pagbaha na anila’y bunga ng katiwalian sa likod ng mga flood control projects sa naturang lalawigan. Bukod sa pag-ulan na dulot ng sabayang epekto ng Habagat at bagyong Neneng, inaasahan din ang pag-apaw ng mga ilog matapos magpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa bayan ng Norzagaray. Sa isang kalatas, kinumpirma ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagpapakawala ng tubig dakong alas-9 ng gabi nitong Biyernes, Agosto 28. “The initial operation will involve the opening of Radial Gate A by 15 centimeters, equivalent to an estimated spill of 35 cubic meters per second (cms),” ayon kay Assistant Secretary Bernardo Alejandro ng Office of Civil Defense. “This is due to the continuous rise in the dam’s water level brought about by the enhanced Southwest Monsoon (Habagat),” aniya pa. Sa datos ng OCD, lampas na sa 101.10 meter normal operating level ang lebel ng tubig sa Ipo Dam Kabilang sa mga inaasahang apektado sa pagbahang dulot ng pag-apaw ng tubig ang mga bayan ng Angat, Bustos, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong, Hagonoy, at Malolos City. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga patabaing baboy sa Catanduanes tegi ng ASF Flood control dike bumigay, 4 bahay tinangay