
HINDI na nagawa pang pumalag ng isang empleyado ng munisipyo matapos posasan ng mga pulis sa buy-bust operation sa bayan ng Banate, sa lalawigan ng Iloilo kamakailan.
Batay sa ulat ng Banate Municipal Police Station Drug Enforcement Unit, dinakip ang hindi pinangalanang empleyado ng munisipyo sa akto ng pagbebenta ng droga sa isang undercover police.
Nakrekober naman sa pag-iingat ng suspek ang ang 10 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P68,000.
Ayon sa mga operatiba, pasok sa kategorya ng “high-value target” ang naturang empleyado ng lokal na pamahalaan.