NANGAKO ang Palasyo sa patas na imbestigasyon sa paspaslang sa union leader na si Jude Thaddeus Fernandez na binaril at pinatay sa mga pulis sa isang raid sa Binangonan, Rizal.
Sinabi na binaril at pinatay ng mga operatiba ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group si Fernandez , 67, matapos isilbi ang search warrant.
“We offer our deepest condolences to the family of Jude Thaddeus Fernandez, a veteran defender of labor rights and a dedicated trade union organizer. We also extend our condolences to the labor groups and unions whom he has helped,” ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sinabi ni Bersamin na isa ang gobyernosa kumokondena sa pagpaslang at tinitiyak na may mananagot sa pagpaslang kay Fernandez.
Ayon sa militanteng grupo na si Kilusang Mayo Uno, si Fernandez ay ika-72 biktima ng labor-related killings simula 2016.