
[Photo courtesy of Coast Guard Station Batangas]
SUMIKLAB ang apoy sa isang nakadaong na tanker sa Alpha Anchorage Area, Batangas, Linggo ng umaga.
Ayon sa personnel ng Coast Guard Station Batangas, nakatanggap sila ng tawag sa telepono kung saan inireport na nasusunog ang motor tanker na Sea Horse.
Isa rin ang iniulat na namatay.
Agad namang rumemsponde ang BRP Bagacay; Bureau of Fire Protection; Provincial Disaster Risk Reduction Managament Office sa insidente.
Nagsagawa naman ng search and rescue operations ang awtoridd gayundin ang posibleng oil spill sa lugar.
Tumagal ng dalawang oras ang sunog bago tuluyang naapula.