
HINDI na nagawa pang isugod sa pagamutan ang isang Provincial Board Member matapos tambangan ng hindi pa natutukoy na salarin sa sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan.
Sa ulat ng lokal na pulisya, kinilala ang biktima na si Provincial Board Member Ramil Capistrano na kumakatawan sa hanay ng mga barangay chairman.
Bukod kay Capistrano, dead on the spot din ang isang Shedrick Suarez na napag-alamang driver ng pinaslang na opisyal.
Ayon sa imbestigasyon, binabagtas nina Capistrano at Suarez lulan ng Mitsubishi Montero ang kahabaan ng Service Road, sa gawing Barangay Ligas nang paulanan ng bala ng mga di pa tukoy na suspek.
Patuloy naman ang follow operation sa hangaring matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.