MALALIMANG imbestigasyon ang ikinasa ng Rizal Provincial Police Office matapos tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin ang isang operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Angono, Rizal. Sa paunang ulat, sakay ng Missubishi Montero (ZRX-971) si PEMS Ignacio Santos ng CIDG-Special Operations Unit nang paulanan ng bala ang biktima sa Baytown Road, Barangay Kalayaan ng naturang bayan. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek gamit ang motorsiklo. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang kasalukuyang nagpapagaling si Santos sa Angono Medics Hospital. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation KARIMLAN SA MINDORO, SISILIPIN NG SENADO SIKYU SA BAHAY AT HACIENDA, SUMASAHOD SA KAPITOLYO