HINDI tinanggap ni Gov. Bai Mariam Mangudadatu ang alok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pamunuan ang Maguindanao bilang officer-in-charge ng Maguindanao del Sur mula sa nahating lalawigan.
“With due respect Mr. President, I strongly object and oppose the aforesaid alleged oathtaking because I am the duly elected governor of the said province of Maguindanao,” ani Mangudadatu.
Paliwanag ng gobernador sa pagtanggi sa alok na posisyon, iniluklok siya ng mga residente ng Maguindanao sa bisa ng isang halalan.
Giit pa ni Mangudadatu, higit na angkop na tupdin ang probisyon sa ilalim ng umiiral na Republic Act 1550.
“Umaapela ako sa iyo, mahal na Presidente. Maikli lamang po, Republic Act 11550, Section 9 – actually, two pages lamang po iyan, mahal na Presidente, para hindi po kayo ma-mislead ng inyong mga tauhan,” hirit ng gobernador sa paniwalang may pwersang nagbubulong sa Pangulo.
“Instead, the President may only appoint new additional member of the Sangguniang Panlalawigan of Maguindanao del Norte and Maguindanao del Sur provided that it must be recommended by the governor and the congressman based by Republic Act 11550,” aniya pa.
Bukod kay Mangudadatu, hinirang rin ng Pangulo ang isang Abdul Raof Macacua bilang OIC ng Maguindanao del Norte.