Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
LA TRINIDAD, Benguet – Pormal na iprinisinta ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang sipi ng isang resolusyon ng Sangguniang Bayan na nagdedeklara sa huli bilang kanilang ‘adopted son’ ng naturang bayan.
Sa Resolution No. 69-2024 na naaprubahan ng konseho, binigyan din ng bagong taguri si Romualdez – “Batakagan” na ang ibig sabihin ay “Brightest Star”.
“Resolved as it is hereby done, to declare the House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, as an adopted son of the Municipality of La Trinidad, Benguet Province and bestowed with the name “Batakagan” (Brightest Star),” saad pa sa resolusyon.
Mismong si La Trinidad Mayor Romeo Salda ang namuno sa hanay ng mga opisyal ng bayan sa pagbibigay ng kopya ng nabanggit na resolusyon na ginanap sa capital compound ng Benguet province kasabay na rin sa paglulunsad ng ng paglulunsad Cash and Rice Distribution program sa Benguet Sports Complex, na inisyatiba naman ni Speaker Romualdez.
Ayon sa Sangguniang Bayan, isang malaking karangalan para sa mga mamamayan ng La Trinidad ang pagbisita at pagtanggap nila kay Speaker Romualdez, na siya ring namuno para sa pagsasagawa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) program ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.
“His noble intention and effort to visit and show support to the constituents of the municipality of La Trinidad deserve recognition worthy as a son,” pagbibigay-diin pa municipal council.
Kinilala rin sa naturang resolusyon ang pagbuo at pamumuno ni Romualdez sa BPSF bukod pa sa pamamahala nito sa legislative function ng Kamara kung saan ang nasabing programa ng Marcos administration ay itinuturing bilang labis na naiiba at mayroong makabagong uri ng serbisyo publiko.
“The BPSF, a groundbreaking event aimed at revolutionizing public service in the Philippines, showcasing innovative approaches to improve government efficiency and responsiveness. Bringing together various government agencies, private sector partners, and community organizations, the fair serves as a platform for interactive exhibits, workshops, and discussions focusing on engagement, digital transformation, and inclusive governance,” paglalarawan pa ng konseho sa nabanggit na programa.
