MULING niyanig ng isang malakas na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental, ayon sa datos na ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)

Sa ulat ng Phivolcs, dakong alas 4:07 kaninang hapon (Oktubre 8) nang maramdaman ang magnitude 6.4 na lindol.

Ayon sa Earthquake Information No. 1 ng ahensya, naitala ang sentro ng lindol sa layong 42 kilometro timog 1° kanluran ng Balut Island, na sakop ng Sarangani. Napag-alaman din na may lalim na 10 kilometro ang pag-uga ng lupa.

Pinakamalakas na naitalang instrumental intensity sa Alabel at Malapatan, Sarangani; T’Boli at Lake Sebu, South Cotabato; General Santos City; at Palimbang, Sultan Kudarat kung saan rumehostro ang Intensity IV.

Naitala naman ang Intensity III sa ilang lugar sa Cotabato, Davao del Sur, Davao Occidental, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat.

Samantala, Intensity II ang naramdaman sa ilang bahagi ng Cotabato, Davao del Sur, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat, habang Intensity I naman sa ilang lugar sa Bukidnon, Cotabato, Davao de Oro at South Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay bahagi pa rin ng mga aftershock ng magnitude 7.8 offshore Sarangani at magnitude 6.5 offshore Davao Occidental earthquakes na naganap noong Hunyo 2026.

Patuloy namang mino-monitor ng Phivolcs ang aktibidad ng lindol at ang mga posibleng kasunod na pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *