PILILLA, Rizal — Dead on arrival sa pagamutan ang isang mangingisda matapos tumaob ang sinasakyang bangka habang namamalakaya sa Laguna de Bay.
Kinilala ang biktima sa pangalang Marjun Sabado, 32-anyos. Patuloy naman ang paghahanap sa isang Patrick Raagas na kasama sa tumaob na bangka.
Kwento ng isa pa mangingisda na si Prince Jehan Custodio, dakong alas 4:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa bahagi ng Laguna de Bay na sakop ng Barangay Quisao. Aniya, kumapit lang siya sa isang nakatulos na kawayan ng fishpen hanggang sa dumating ang saklolo ng kapwa mangingisdang si Willy Perez.
Agad naman rumesponde ang mga bantay dagat na nakabase sa Philippine Coast Guard station. (EDWIN MORENO)
