KINONDENA International Trade Union Confederation (ITUC) at ng mga kaanib lapiang obrero sa bansa pamamaslang Alex Dolorosa, isang unyonistang paralegal ng BPO Industry Employees Network (BIEN) sa Bacolod City.
Kabilang sa nagpahayag ng galit sa kinahinatnan ni Dolorosa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Federation of Free Workers (FFW) at Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO).
Natagpuang tadtad ng saksak at walang nang buhay si Dolorosa sa isang liblib na lugar sa Bacolod City tatlong araw matapos idulog ang pagkawala ng unyonista.
“We strongly condemn this brutal attack against a union paralegal and also await the initial findings of police investigators on whether there may be fair and reasonable grounds to believe that the crime perpetuated was related to the legitimate trade union work of Alex Dolorosa,” pahayag ng ITUC Affiliates.
Apela ng mga lapian ng mga manggagawa sa pamahalaan, isang malalimang imbestigasyon sa layuning matukoy, madakip at masampahan ng kaso ang salarin – gayundin ang utak sa likod ng pagpatay sa unyonistang higit na kilalang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga obrero.
“We urge the Government to address worker fears of the culture of impunity of state forces and ensure the safety and security of all workers and union organizers.”