BINUKSAN na ang photo exhibit sa GSIS museum, kasabay ng ika 29 anibersaryo ng ahensiya na dinaluhan ng mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at kilalang photographers sa media.
Pinangunahan ni GSIS VP for Corporate Office Margie Jorillo, Asec. Erel Cabatbat, kasama sina Presidential Task Force on Media Security Usec. Jose Torres Jr. , PIA DDG Ares Gutierrez, PNA Director 4 at head ng Presidential News Desk Luis Morente, NPC president Leonel Abasola, ang ribbon cutting sa pagbubukas ng okasyon.
Nakilahok din ang mga premyadong photographer at photojournalist na sina George Tapan at Noel Celis.
Kasama ang past presidents Nick Sagmit at Boy Cabrido, Edwin Tuyay, Gil Nartea, tinalakay ang kahalagahan ng photojournalism, gayundin ang pagpapalaganap ng solusyon sa problema sa climate crisis na tema ng exhibit ngayong taon.
Pinasalamatan ni Edwin Bacasmas, pangulo, ang curator na si Riza Zuniga at museum director Ryan Palad at Asst. Director Joan Caldea sa matagumpay na pagbubukas ng photo exhibit.
Ang Philippines Climate Crises and Food Security exhibition ay tagal hanggang Mayo 16.
Ito ay nilahukan ng 39 photographers, kabilang si 2025 World Press Photo winner Noel Celis na nagsalita kung paano nito nakuhanan ng larawan ang apat na bagyo sa loob ng 12 araw.
