
PATULOY ang pamamayagpag ni reelectionist Senator Bong Go, batay sa pinakahuling resulta ng survey na pinangasiwaan ng Octa Research group noong ikatlong linggo ng nakalipas na buwan.
Sa datos ng Octa Research, pumalo na sa 64 percent ang voter preference rating ni Go na kabilang sa mga pambato ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) sa nalalapit na halalan sa Mayo.
Nasa ikalawang pwesto naman si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na nakasungkit ng 61 percent voter preference, kasunod ang kapatid na si Ben Tulfo na nakapagtala ng 48 percent.
Pasok din sa Magic 12 si former Senate president Tito Sotto na may 46%, Bong Revilla na nakakuha ng 45%. Tabla naman sa pang-anim na pwesto sina Lito Lapid at former Senator Ping Lacson na kapwa may 42%.
Ang iba pang nakasilat ng pag-ayon ng mga kwalipikadong botante sina reelectionist Senator Pia Cayetano na nakasungkit ng 41%, reelectionist Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may 38%, Makati City Mayor Abby Binay na gumuhit ng 37%, at Las Piñas Rep. Camille Villar na may 35%.
Doble-kayod naman sina dating Senador Manny Pacquiao, komedyanteng si Willie Revillame, at former DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na pawang may 29% voter preference.