LANTARANG pinagyabang ni Makati City Mayor Abby Binay ang “limpak-limpak” na campaign funds ni incumbent Rep. Pammy Zamora sa ginanap na campaign sorties sa lungsod ng Taguig para makaakit ng boto.
Sa ginanap na campaign rally sa Barangay CEMBO, sinabi ni Mayor Abby na kaya may lakas ng loob siyang humarap sa taga-Taguig, dahil meron siyang i-endorso para maging kasama at kasanggang magsisilbing counterpart sa Kamara sakaling palarin makalusot sa 2025 senatorial race.
“Kaya may lakas nang loob akong humarap sa inyo, na dahil ang magiging kasama, kasanggang kaibigan natin na kailangan natin para may counterpart ako sa Kongreso na isang Pammy Zamora,” ayon kay Mayor Abby.
Sinabi ni kasalukuyang alkalde ng Makati na kanyang kinakapatid si Zamora kaya nararapat lamang na kapag dumadaan ang kanilang kalaban sa lugar, isigaw ang “Pammy-Abby, Pammy- Abby” bilang pang-asar sa kalaban.
“Para pag may dumadaan dito yung iba dito, sasabihin nyo Pammy-Abby, Pammy Abby para sa akin naba-badtrip, sa dami ng luhang naiyak ko, sa sobrang dami ng sama ng loob na binigay nila sa aking lahat, maasar man lang sila sa akin kahit slight,” giit ni Abby.
Sa puntong ito, sinabi ni Binay na magsasalita si Cong Pammy saka papakitaan niya ang lahat ng residente ng CEMBO ng “limpak-limpak na pera” na tila hinihimok ang botante na kapwa sila iboto sa halalan.
“Mamaya po magsasalita si Cong Pammy, papakitaan niya kayo ng limpak-limpak na pera dahil marami siyang pondo yari ka na Pammy. Ako po nagmamadali na dahil may kampanya din ako sa Makati no, ako po ay galing Bataan ngayong umaga, kakabalik lang, Bataan po ako at Pampanga,
Nagpahinga lang ng saglit, pinuntahan ko na si Pammy sa East Rembo at ngayon po andito tayo sa Cembo,” sambit ni Mayor Binay.
Reelectionist Congressman ng unang distrito ng Taguig si Zamora.
Kamakailan lang nang maglabas ng babala ang Commission on Elections (Comelec) laban sa paggamit ng pera para makakuha ng boto, alinsunod sa Section 26 ng Comelec Resolution 11104.
“Vote-buying is the act of giving, offering, or promising anyone of: money or anything of value any office or employment franchise or grant, public or private to make an expenditure, directly or indirectly cause an expenditure to be made to any person, association, corporation, entity, or community in order to induce anyone or the public in general,” saad sa naturang probisyon.
Nakatakda din sa resolusyon ng komisyon na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng ayuda kapalit ng boto ng sinumang kandidato o binanggit ang pangalan ng kandidato sa oras ng pangangampanya.
“Giving, distributing, and receiving any assistance or ‘ayuda,’ in which the names of the candidates are mentioned, or those conducted in a place where the name or picture of the candidate is visible or displayed, whether given by the candidate or his or her relative within the second degree of affinity or consanguinity, or their known supporters or employees,” ayon sa resolusyon.
“Giving, distributing and receiving any assistance or ‘ayuda’ other than those which are normally given to qualified individuals such as but not limited to basic needs and assistances, during the campaign period, whether given by the candidate or his or her relative within the second degree of affinity or consanguinity, or their known supporters or employees,” ayon pa sa Comelec.
