SA kabila ng imbitasyon kay Senador Imee Marcos., inamin ni First Lady Liza Araneta-Marcos na hindi dumadalo sa pagtitipon ng pamilya ang nakatatandang kapatid ng asawang Pangulo.
Gayunpaman, nilinaw ni Araneta-Marcos na hindi siya nagkulang sa paanyayang pinadadaan nya di umano sa group chat ng pamilya Marcos.
“Well, every Sunday, we have a family lunch. Once my mother-in-law said, ‘Hija, di mo iniimbita si Imee sa mga ano’. ‘Mom, ako pa? May group chat kami. Lahat sila nandiyan.’ Sabi niya, ‘Anong group chat?’ ‘Ah mommy…’ No, no. But she’s (Imee) always invited,” wika ng kabiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa programa ng isang broadcaster.
Pagtatapat ng Unang Ginang, buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon pa nang huli silang mag-usap ni Sen. Imee.
Tumanggi rin si Gng. Marcos sagutin ang tanong kung bakit hindi tugma ang posisyon ng Pangulo at ni Sen. Imee sa mga usaping pambansa – “You should ask her. I am just an outlaw. I know what line not to cross.”
Sa mga nakalipas na panahon, kapansin-pansin din ang patutsada ni Sen. Imee sa administrasyon ng nakababatang kapatid.
