IBINAHAGI ng isang pamahalaang barangay sa Quezon City ang sikreto sa likod ng matagumpay na programang naglalayon panatilihin ang kalinisan sa nasasakupang pamayanan.
Sa isang natatanging ulat sa programang “FYI na umere sa Biltonaryo News Channel, ibinida ni Chairman Teodulo Santos ng Barangay Socorro ang kakaibang gimik para sa kalinisan ng nasasakupang komunidad — libreng pustiso kapalit ng mga basurang pwedeng i-recycle.
Ayon kay Santos, mahigit 600 residente ng Barangay Socorro ang nabigyan ng libreng pustiso sa ilalim ng programang “May Ngiti sa Basura.” Mula nang simulan aniya noong 2024 ang programa, napanatili ang kalinisan sa Barangay Socorro.
Kabilang sa mga basurang dinadala sa barangay ang mga bote, lata, karton at iba pang recyclables.
Layon aniya ng programa imulat ang mga residente ng Barangay Socorro sa buting dulot ng waste segregation at recycling.
