HINDI pa man natatapos ang ipinataw na preventive suspensyon, 65 karagdagang kaso ang isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay suspended Mayor Alston Kevin Anarna ng Silang, Cavite.
Sa inihaing kaso ni acting Mayor Ted Carranza, nakakalap pa umano sila ng mas malinaw na ebidensyang patunay ng sabwatan sa pagitan ng suspending alkalde at mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) kaugnay ng di umano’y “ghost event” na ginastusan ng lokal ng pamahalaan ng P11 milyon noong nakalipas na taon.
Batay aniya sa rekord, tapos na ang mga okasyon nang isagawa ang bidding para pagkain ng mga panauhin.
Sagot naman ni Anarna, walang basehan at political harassment lamang ang mga paratang ng kalaban sa politika laban sa kanya.
Handa din umano siyang harapin ang lahat ng kasong inihain ng aspirante sa kanyang pwesto.
