TAYTAY, Rizal – Dead on arrival ang isang construction worker habang sugatan ang dalawang iba pa matapos matabunan ng lupa sa ginagawang bahagi ng Taytay Sports Complex sa Barangay Muzon.
Kinilala ang nasawing biktima sa pangalang Renato Roda Radorez, habang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang iba pa – sina Jaime Sungcados at Judino Rellesiva.
Kwento ng dalawang construction workers, dakong alas 11:00 ng umaga nang biglang gumuho ang lupa habang nagsasagawa ng paghuhukay sa isang bahagi ng Taytay Sports Complex para sa facility development na proyekto ng lokal na pamahalaan.
Sa dami lalim ng hukay at dami ng gumuhong lupa, inabot ng ilang oras bago naiahon ang mga biktimang agad na isinugod sa ospital.
Wala pang pahayag ang kontratista.
