ISANG linggo matapos magpatupad ng baryang rollback, ikinasa naman ng mga dambuhalang oil companies ang dagdag-presyo sa binebentang produktong petrolyo.
Panawagan ng Department of Energy (DOE) sa mga motorista, paghandaan ang oil price increase sa Martes, Mayo 28.
Base sa pagtataya ng DOE, tataas ng 65 sentimos ang halaga ng sa kada litro ng gasolina, habang 55 sentimos naman ang dagdag-presyo sa krudo. Hindi rin nakalusot ang kerosene na inaasahang sisipa ng 60 sentimos kada litro.
Paliwanag ng DOE, ang panibagong paggalaw ng presyo sa mga produktong petrolyo sa merkado ay bunsod ng kalakalan sa pandaigdigang pamilihan.
