MATAPOS manindigan ang Korte Suprema sa bantang kalakip ng alegasyon bilang komunista, target naman ngayon ng isang militanteng kongresista isabatas ang panukalang nagbabawal sa red-tagging – pribadong indibidwal man o tanggapan ng pamahalaan.
Sa ilalim panukalang inihain ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers partylist Rep. France Castro, papatawan ng parusang kulong ang sinumang mapapatunayan ng husgado na nagkasala sa kasong red-tagging.
Panawagan ni Castro sa Kamara, pagtibayin ang kanyang panukala, kasabay ng pagkondena sa mga miyembro ng 80th Infantry Battalion at Department of Education – Rizal na namigay umano ng mga polyeto kung saan tinawag na terorista ang mga estudyante at kabataang kontra sa gobyerno, gayundin sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.
“We urge Congress to expedite measures banning red-tagging and punishing those who engage in this heinous activity. The government should focus on providing quality education and protecting our youth, not spreading fear and misinformation,” pahayag ng militanteng mambabatas.
“The recent incident in Rizal is a clear example of the dangers of red-tagging. It is a threat not only to our youth but also to our democracy. We will not tolerate this kind of harassment and intimidation. We will continue to fight for the rights of our students and our people,” pagtatapos ni Castro.
