USAP-USAPAN na naman sa mataas na kapulungan ng kongreso ang posibilidad ng panibagong pagpapalit ng liderato dahil sa umiinit na tensyon sa senado.
Ayon kay Senador Erwin Tulfo, may tatlong senador mula sa majority bloc ang nagpapahiwatig ng pagnanais sumapi sa minority bloc.
“So makikita mo, actually three people (senators). So nakikita nila na pwedeng kausapin,” wika ni Tulfo sa isang panayam na umere sa Bilyonaryo News Channel.
Pag-amin ni Tulfo, kapansin-pansin umano ang pagbabago sa “body language” ng ilan sa mga kabarong mambabatas matapos mag-walkout ang mga minority senators sa plenaryo kamakailan.
Kabilang si dating Senate President Chiz Escudero sa mga humuhugong na senador na lulundag sa minorya.
“Probably he has a very good reason to join the minority siguro, baka may makita siya na he believes what we believe in,” aniya pa.
