NAGPAPAGALING na sa pagamutan ang dalawang kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kapwa sugatan bunsod ng insidente ng sunog sa Malate, Maynila kahapon.
Sa ulat ng BFP na nakabase sa Maynila, nagtamo ng lapnos ang mga balat ang mga biktima ng sunog na lulamon sa isang kapilya, gusaling panuluyan ng mga seaman at mga establisyemento sa kahabaan ng Pasaje de Galvan sa Malate Lunes ng madaling araw.
“So far ‘yung number of establishments umabot tayo ng 5. Meron tayo kapilya na nadamay, ‘yung iba ay mga paupahan at bahay naman. Third alarm [ang sunog] kasi medyo masikip ang area natin at kailangan natin ng mas maraming tubig” ayon kay District Fire Marshal Senior Superintendent Christine Cula.
Nasa 10 pamilya ang nawalan ng tahanan.
