WALANG epekto ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd), ayon sa isang militanteng kongresista kasabay ng bantang hindi titigil hanggat hindi naibabalik sa pamahalaan ang P125-milyong confidential fund na naubos lang sa loob ng 11 araw.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers partylist Rep. France Castro, hindi kayang burahin ng pagkalas ni Duterte sa administrasyong Marcos ang aniya’y kwestyunableng paggamit ng naturang pondo.
“Hindi tayo titigil hangga’t hindi niya maibalik,” banta ni Castro kaugnay ng kabi-kabilang mga petisyon na nakahain sa Korte Suprema.
“Kahit na mag-resign pa siya as Vice President, pananagutin pa rin siya ng taumbayan doon sa confidential funds (and) Ano yung mga records ng human rights violations sa Davao,” pahabol ng militanteng kongresista.
