SA dami ng mga presong nagsisiksikan sa maliit na espasyo, hindi maiwasan ang magkahawaan sa tuwing may tinatamaan ng trangkaso – ang problema kapos ang bilang ng mga doktor at nars sa mga piitan sa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Corrections (BuCor).
Pag-amin ni BuCor Director General Gregorio Catapang, malaki ang kakulangan ng mga healthcare personnel para tugunan ang pangangailangan ng mga bilanggo sa buong bansa. Katunayan aniya, meron lang 10 doktor at nars ang halinhinan sa iba’t ibang bilangguan.
Pero hindi dahil sa magulong tagpong sa mga kulungan na napapanood sa mga pelikula, kundi dahil sa physical training na bahagi ng proseso sa mga aplikante sa kawanihan.
Bukod sa doktor at nars, kailangan din ng BuCor ng mga pharmacist, guro, guidance counselor, pari at iba pang highly technical professions. Pero dahil aniya sa mahigpit na reglamento sa pagsasanay, marami aniya ang umaayaw sa kabila ng mataas na buwanang sahod na alok ng kawanihan.
Higit pang nabahala si Catapang sa aniya’y napipintong magretirong doktor ngayong taon, at dalawa pagsapit ng 2025.
