HINDI lang mga kongresista ang may pork barrel, ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas kaugnay ng P23.65-bilyong lump sum fund na nakalagay sa Climate Change Expenditures para sa susunod na taon.
Sa ilalim aniya ng panukalang budget para sa 2025, may kabuuang P1.01 trilyong inilaan para sa Climate Change Expenditures kung saan pinakamalaki ang mapupunta sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Para kay Brosas, lubhang nakakabahala ang P23.65 bilyong pasok sa kategorya ng “lump sum” – yaong mga gastusing walang kalakip na detalye kung saan at paano gagastusin ng naturang ahensya.
“The P23.65 billion earmarked as Special Purpose Funds reeks of ‘climate pork’, with P5.41 billion allocated to Local Government Units and P18.23 billion to Government Corporations—both susceptible to corruption,” wika ni Brosas.
Sa ilalim ng umiiral na sistema ng pamahalaan, ang Special Purpose Funds budget allocation sa General Appropriations Act kung saan naglalaan ng perang gagamitin sa “sandali ng pangangailangan.”
“The people deserve transparency and accountability in climate expenditures. Funds must be channeled into legitimate climate adaptation programs rather than into the pockets of corrupt officials,” dugtong ng militanteng kongresista..
Kung pagbabatayan ang salaping inilaan para sa 2024 Climate Change Expenditures, haIos doble ang hirit na pondo ngayong taon para sa pagkukumpuni ng pinsala sa imprastraktura bunsod ng palpak na proyekto.
