Screengrab from GMA News
SA hangarin tiyakin ang pagsipot ng mga inanyayahan resource persons, tuluyan nang isinailalim sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang pitong opisyal ng Office of the Vice-President (OVP) na pinaniniwalaang sangkot sa pag lustay ng pondong inilaan sa tanggapan ni VP Sara Duterte.
Sa dokumentong pirmado ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla, inatasan ang Bureau of Immigration (BI) na bantayan ang mga pantalan at paliparan sa posibleng paglabas ng bansa nina
- Atty. Lemuel Ortonio (OVP Assistant Chief of Staff at Chairman ng Bids and Awards Committee)
- Atty. Rosalynne Sanchez (Director ng Administrative and Financial Service)
- Gina Acosta (OVP Special Disbursing Officer)
- Julieta Villadelrey (OVP Chief Accountant)
- Sunshine Charry Fajarda (former Education Assistant Secretary)
- Edward Fajarda (dating Senior Disbursing Officer ng DepEd)
Bagamat kasama sa talaan si Atty. Zuleika Lopez na tumatayong chief of staff ni VP Sara, una nang kinumpirma ng OVP na nasa Estados Unidos na ang abogadong lubos na pinagkakatiwalaan ng pangalawang pangulo.
Paglilinaw ng DOJ, naglabas ng direktiba si Remulla bunsod ng kahilingan ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ayon sa DOJ, pwede pa rin naman anilang lumabas ng bansa ang mga OVP officials, subalit may panuntunan na dapat sundin ang mga nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin.
