NI LOUIE LEGARDA
PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., higit na matimbang pangasiwaan ang tugon ng pamahalaan sa mga lalawigang lubos na apektado sa pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo.
Sa isang kalatas, kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Cesar Chavez na hindi muna aalis sa Pilipinas si Marcos na nagpasyang unahin ang mga problemang kinakaharap ng bansa — kabilang ang pinsalang dulot ng bagyong Kristine at Leon.
“The President won’t leave and will instead focus on domestic concerns, including government responses to calamities,” ani Chavez patungkol sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Week sa bansang Peru ngayong buwan.
Gayunpaman, nilinaw ng Palasyo na magpapadala ng kinatawan ang Pangulo sa katauhan ni DTI Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque na tumatayong Special Envoy of the President.
