
UNTI-unti nang lumilinaw ang mga pundasyon ng koponan ni former President Rodrigo Duterte sa nalalapit na 2025 senatorial derby.
Matapos iprokalama sina reelectionist Senator Bong Go, Bato dela Rosa at dating aktor na si Philip Salvador, pasok na rin sa kwadra ng mga pambato ng dating pangulo si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Duterte, ikakampanya niya si Quiboloy na naghain ng kandidatura sa posisyon ng senador, sa kabila pa ng pagkakapiit bunsod ng mahabang talaan ng mga kasong kriminal kabilang ang panghahalay, qualified human trafficking, money laundering financial fraud at iba pa.
Para kay Duterte, malaking bentahe sa sambayanang Pilipino kung maluluklok si Quiboloy sa 2025 senatorial race.
“Pastor Quiboloy is… maraming alam sa buhay. Pastor is a very keen observer, very bright. He would be an asset to the country,” saad ni Duterte.
“I will campaign for him all throughout the country,” pahabol ng dating pangulo