SA hangaring itaas ang antas ng tinaguriang “transparency” sa lokal na pamahalaan, iminungkahi ng isang partylist congressman na magkaroon ng livestreaming ng mga sessions ng Sangguniang Bayan (SB).
Sa isang kalatas, partikular na isinusulong ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo amyendahan ang Sections 50 at 42 sa Chapter III ng Republic Act 7160 (Local Government Code of 1991).
Sa bisa aniya ng House Bill 11294 (An Act Mandating the Livestreaming of Sangguniang Bayan Sessions), mas mailalapit sa mga mamamayan ang pamahalaan.
Kumbinsido rin ang kongresista na malaking bentahe ang digital technology na aniya’y magbubukas ng malaking oportunidad sa mga mamamayan na makibahagi sa talakayan hinggil sa mga usapin sa lokalidad.
“Thus, the Local Government Code of 1991 needs to be updated to mandate the utilization of online streaming platforms to make local legislative sessions accessible to the public,” wika ng partylist solon.
“In a democratic country like ours, enhancing accessibility, inclusivity, and openness in governmental processes is imperative. Livestreaming legislative sessions fosters transparency and ensures that public officials are held accountable,” dugtong ni Salo, na tumatayong vice-chairperson ng House Committee on Government Reorganization.
Ibinigay halimbawa ng ranking House official ang pagkakaroon ng livestream ng sesyon kapwa ng dalawang kapulungan ng Kongreso, na nagbibigay-daan para magkaroon ng animo’y front-row seat ang taumbayan sa kung paano nabuo ang mga mahahalagang batas at polisiya.
Tinukoy rin ni Salo ang isang pag-aaral ng Isabela City, Basilan na nagsasabing ang digital technology ay mahalaga para sa mas mabuting paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo publiko at pakikilahok ng mga residente. Ang Laoag City Council sa Ilocos Norte, ayon pa sa kongresista ay naka-livestream ang mga sesyon simula pa noong July 2022.
“This initiative modernizes governance, ensuring it evolves alongside today’s technological advancements. Livestreaming local legislative sessions not only combats misinformation but also fosters an informed and engaged citizenry,” Rep. Salo emphasized. “The proposed measure underscores the importance of using digital technology to bring governance closer to the people, setting a higher standard for public service in the Philippines,” pagtatapos ni Salo. (Romeo Allan Butuyan II)
