
KALABOSO sa pinagsanib na pwersa ng ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasa 29 na dayuhan matapos mabisto ang illegal POGO operation na nakakubli sa loob ng isang private resort sa bayan ng Silang sa lalawigan ng Cavite.
Ayon kay Cavite Police Provincial Office director Col. Dwight Alegre, mga Chinese nationals ang karamihan sa mga naaresto sa raid na ikinasa dakong alas 3:30 ng hapon sa Barangay Lalaan sa naturang bayan.
Kabilang sa mga nadakma sa pagsalakay ang mga pinaniniwalaang kapural ng sindikato.
Batay sa ulat na isinumite ng mga operatiba ng pambansang pulisya, huli sa aktong nagsasagawa ng pang-i-scam ang mga dayuhan nang pasukin ang hindi tinukoy na private resort matapos ang ilang araw na pagmamanman.
sa umano’y sa punong himpilan ng Philippine National Police (PNP), gsagawa ng operasyon ang CIDG kasama ang Silang Police, Bureau of Immigration (BI), PAOCC at LGU-Silang dakong alas-3:30 ng hapon laban sa isang POGO hub na matatagpuan sa isang resort sa Brgy. Lalaan 2nd Silang Cavite matapos sumailalim sa ilang araw na surveillance.
Kumpiskado sa operasyon ang mga modern-day gadgets at hindi bababa sa 500 SIM cards na gamit sa online scam.