SUPORTADO ng mga ranking leader ng Kamara ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ng apat na buwan ang termino ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Para sa mga lider-kongresista, makatwiran lamang na palawigin ang panunungkulan ni Marbil bilang hepe ng pambansang pulisya para ipagpatuloy ang mga repormang nagbigay-daan sa epektibong pagsugpo sa kriminalidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kumbinsido rin ang mga mambabatas sa anila’y husay na ipinamalas ni Marbil sa makatao at intelligence-driven na kampanya laban sa iligal na droga.
Ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, na tumatayong chairman ng the House Committee on Dangerous Drugs, at Laguna Rep. Dan Fernandez, na tagapamuno ng House Committee on Public Order and Safety, malaking bentahe ang pagpapalawig sa termino ni Marbil para mapanatili ang pinaigting na estratehiya ng pamahalaan sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.
“Gen. Marbil has successfully shifted our anti-drug operations toward a community-driven and intelligence-based approach, ensuring that law enforcement is effective without the unnecessary bloodshed we saw during the previous administration,” ayon kay Barbers.
“His continued leadership will ensure that these much-needed reforms remain on track,” dagdag ng kongresista.
Sa ilalim aniya ng pamumuno ni Marbil, matagumpay na naisulong ng PNP ang kampanya kontra droga, kalakip ang respeto sa karapatang pantao —PNP has moved away from the aggressive tactics of the past, focusing instead on protecting lives and upholding human dignity—a recalibrated approach that has proven effective and has restored public trust in law enforcement.”
Pinuri naman ni Fernandez ang pangkalahatang pamamaraan ni Marbil upang mapigilan ang mga krimen at paggamit ng makabagong taktika sa pagpapatupad ng batas.
“The President’s decision to retain Gen. Marbil ensures that ongoing reforms within the PNP will not lose momentum,” wika ni Fernandez.
“His focus on proactive policing, technological integration, and rapid response strategies has resulted in a significant drop in crime rates,” dagdag pa ng mambabatas.
Nakikiisa rin sina Barbers at Fernandez sa iba pang matataas na opisyal ng PNP na sumusuporta sa desisyon ng Pangulo na palawigin ang termino ni Marbil, para sa pagpapatuloy ng reporma sa PNP at matiyak ang kahandaan ng PNP sa nalalapit na halalan sa Mayo. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
