WALANG kinalaman ang Malakanyang sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kasong grave threat at inciting to sedition si Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang pahayag, tiniyak ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi rin makikialam ang Palasyo sa anumang plano ng Department of Justice (DOJ) na aniya’y malayang maspasya alinsunod sa mandato ng naturang ahensya ng gobyerno.
Base sa rekomendasyon ng mga abogadong inatasan timbangin ang ebidensyang kalakip ng recorded Zoom video conference kung saan nagbanta umanong ipapatumba si Marcos, First Lady Liza-Araneta at House Speaker Martin Romualdez sakaling may masamang mangyari sa kanya.
“We are going to let the process proceed on its own because this is about a criminal investigation,” wika ni Bersamin.
Aniya, nasa kamay ng DOJ timbangin ang isinusulong na kaso ng NBI.
“This process will have to go through the full course, if ever that matter is officially taken cognizance off,” dagdag ng Palace official.
