HINDI bababa sat 23,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ikakalat sa iba’t ibang panig ng Metro Manila para tiyakin ang seguridad sa 49th ASEAN Summit sa susunod na linggo. Ayon kay ASEAN 2026 Security Task Force Commander Lt. Gen. Nery Vincent Ignacio, may kabuuang 23,154 personnel ang inatasan magbantay sa mga itinalagang ruta, venue ng summit, hotel at iba pang kaugnay na lugar. Sa naturang bilang ng mga pulis, 20,079 tauhan ang mula sa National Capital Region habang nasa 3,075 personnel naman ang ipapadala ng iba’t ibang ahensya tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Inaasahan naman ang tulong ng mga lokal na pamahalaan ng Pasay, Paranaque, Makati, Taguig at Maynila sa lusapin ng trapiko, emergency preparedness and response units. Katuwang din sa pagpapanatili ng kaayusan sa ASEAN Summit ang nasa 4,000 civil disturbance management equipment, 15 truck at bus, mahigit 1,000 motorsiklo at mahigit 500 mobile car, kabilang ang mga karagdagang sasakyan mula sa Unified 911. Magde-deploy din umano ng mga ambulansya, canine units, high-speed tactical watercraft at 157 karagdagang support at response vehicles mula sa mga partner agencies. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pinaigting na kampanya kontra scam hubs, giit ng solon