MISTULANG parking area ang tagpo sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) matapos mabalam ang biyahe ng mga motorista bunsod ng nasunog na trak na kargado ng liquefied petrleum gas (LPG).
Sa paunang ulat ng NLEX Corp, ang kumpayang nangangasiwa ng toll highway, dakong alas 4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng NLEX sa gawing Candaba viaduct.
Agad na isinara ang northbound road kung saan nagtambak ang mga sasakyang patungo sa Metro Manila na tahakin ang MacArthur Highway.
Ganap na naapula ang sunog dakong alas 4:30 ng hapon, ayon sa pahayag ni NLEX Senior Traffic Officer Robin Ignacio.
Walang nasaktan sa naturang insidente.
