PAMAMANGKA sa dalawang ilog ang nakikitang dahilan sa likod ng desisyon ng administrasyon na ilaglag na sa talaan ng mga pambato sa posisyon ng senador si Las Pinas Rep. Camille Villar.
Sa ginanap na kampanya sa lalawigan ng Batangas, inindorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, maliban kay Villar at reelectionist Senator Imee Marcos.
Panawagan ni Marcos sa mga botante ng Batangas, suportahan at ikampanya ang mga pambato ng Alyansa para pagpapatuloy ang momentum para sa makabuluhang pagbabago sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas,’
Sa kanyang talumpati, ipinaglamaki ni Marcos ang mga programang nagbigay tulong sa mga nasa “laylayan.”
Kabilang din sa mga tinukoy ng Pangulo ang umano’y pagbaba ng employment rate at paglago at pagpapalakas sa sektor ng agrikultura para tiyakin ang sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat.
Kapansin-pansin rin na wala maski isang campaign poster si Villar sa naturang pagtitipon.
