LUSOT na sa ikatlo ang huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong gawing permanente ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa datos ng Kamara, wala maski isa sa 176 kongresistang dumalo sa plenaryo ang tumutok sa pagpasa ng House Bill 11395 na halaw sa 11 bersyon ng panukala.
Para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, hindi maikakaila ang buting dulot ng AICS hindi lamang ang mga maralita kundi maging sa iba pang nangangailangan tulad ng mga nawalan ng trabaho.
“This program of the DSWD has helped countless Filipinos with the type of aid that they cannot obtain from other government agencies and local government units, such as burial, transportation, food, and material assistance,” wika ng lider ng Kamara.
“Thus the need to institutionalize it in a law for its existing and potential beneficiaries so they could be assured of continued help under any national or DSWD leadership,” dugtong ni Leyte solon.
Sa ilalim ng panukala, gagamitin ang AICS para tulungan ang mga indibidwal o pamilyang mahirap, stateless persons, repatriates, deportees, transients, vulnerable, disadvantaged, o internally displaced persons o nasa crisis situation batay sa assessment ng social workers ng DSWD.
Inaatasan din ng panukala ang DSWD na magkaroon ng isang Integrated Program Delivery System upang masigurong makakarating sa mga tunay na benepisyaryo ang tulong ng gobyerno.
Kalakip din ng panukala ang mabigat na parusa sa mga abusado, manloloko at mga nanghihingi ng porsyento.
