NAPAGTANTO marahil ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte na higit na may kapangyarihan ang Korte Suprema kesa sa Kongreso.
Ito ay matapos maghain ang mga abogadong sina Israelito Torreon, Martin Delgra III, James Reserva, Hillary Olga Reserva, at Jey Rence Hilario ng supplemental motion laban sa pagsasagawa ng impeachment trial laban sa bise-presidente
Sa 45-pahinang petition, partikular na hiniling ng mga abogado ang temporary restraining order and/or writ of preliminary injunction para pigilan ang impeachment trial.
Kabilang rin sa hirit sa petisyon ang pagdedeklarang null and void ang articles of impeachment.
Nais din ni Torreon linawin sa Korte Suprema ang tinaguriang “crossover” ng impeachment case na isinampa sa Senado sa ilalim ng 19th Congress.
Giit ng abogado, hindi ayon sa principle of legislative discontinuity ang pagtawid ng pagdinig sa 20th Congress. (ITOH SON)
