TATLONG buwan matapos pormal na magsimula ang termino ng mga mambabatas sa ilalim ng 20th Congress, kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-upo sa Kamara ng isa pang kongresista.
Sa kalatas ng Comelec, partikular na tinukoy si Gabriela partylist Rep. Sarah Elago na anila’y magiging ika-64 na kinatawan sa hanay ng partylist congressmen.
Nakatakda na rin anang poll body ang proklamasyon ni Elago pagsapit ng Huwebes, Setyembre 18.
Samantala, walang pagtutol na inihayag ang Kamara sa desisyon ng Comelec. Pangangasiwaan ni House Speaker Martin Romualdez ang panunumpa ni Elago.
Nag-ugat ang desisyon ng Comelec matapos maghain ng mosyon ang Philreca partylist hinggil sa bilang ng mga pwestong dapat umanong ilaan sa hanay ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
