TALIWAS sa nakasanayang magarbong pagdiriwang, sa kulungan na magpa-pasko ang nasa 20 dating opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Bukod kina former DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, Engr. Henry Alcantara, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza at iba pang sinipa sa ahensya, kasama rin sa mga makakasalo sa noche buena ang limang kontratista — kabilang ang mag-asawang Curlee at Sara Discaya.
Una nang tiniyak ni Ombudsman Crispin Remulla ang pormal na paghahain ng kaso sa Sandiganbayan laban sa mga 20 DPWH officials at limang contractors bago sumapit ang Nobyembre 25.
Sa isang pulong-balitaan na idinaos sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City, nilinaw naman ni DPWH Sec. Vince Dizon na hindi pa kasama sa talaan ng mga magpapasko sa kulungan ang mga mambabatas.
